Scan the code
Download spotify for the whole song
Watawat
[Verse 1]
Ilang henerasyon
Na ang nagdaan
Mga ninuno
Natin ang nakipaglaban
Sa mga mananakop
Nakipagsabayan
Sandata ang talino
Lakas at tapang
Kaya't wag kalimutan
Kanilang pinagdaanan
Tuwing may pagsubok
Sa ating bayan
Ating tandaan
[Chorus]
Iaangat
Bughaw na bandila
Sa digmaan
Pula ang makikita
Tatlong bituin
Sabay magniningning
Magbibigay liwanag
Sa panahong madilim
Ang sinag ng araw
Na naglalagablab
Ang syang baluti
Sa pusong di patitinag
Ang simbolo
Ng bawat Pilipinong tapat
Nakaukit ang sagisag
Sa ating watawat
[Verse 2]
Pitong libo
Anim na raan
Apatnapu't isa
Sa pagsubok
Ay nagkakaisa
Ipamalas taglay
Nating kakayahan
Kapit bisig
Walang iwanan
Pagsabog ng bulkan
Pagdilim ng kalangitan
Paghagupit ng bagyo
Lupit ng el niño
Pagyanig ng mundo
Babangon tayo
Ikaw at ako
Iwagayway
At
[Chorus]
Iaangat
Bughaw na bandila
Sa digmaan
Pula ang makikita
Tatlong bituin
Sabay magniningning
Magbibigay liwanag
Sa panahong madilim
Ang sinag ng araw
Na naglalagablab
Ang syang baluti
Sa pusong di patitinag
Ang simbolo
Ng bawat Pilipinong tapat
Nakaukit ang sagisag
Sa ating watawat
[Bridge]
Saan man mapunta
Wag kalimutan lumingon
Sa kasaysayan at kahapon
Magbigay pugay
Sa nagbuwis
Nang buhay
Tumindig tumayo
At taas noo
Ang kamay sa dibdib
At isapuso
Sabay nating
[Chorus]
Iaangat
Bughaw na bandila
Sa digmaan
Pula ang makikita
Tatlong bituin
Sabay magniningning
Magbibigay liwanag
Sa panahong madilim
Ang sinag ng araw
Na naglalagablab
Ang syang baluti
Sa pusong di patitinag
Ang simbolo
Ng bawat Pilipinong tapat
Nakaukit ang sagisag
Sa ating watawat
Watawat ay awiting tungkol sa ating watawat.