Scan the code
Download spotify for the whole song
Papel
[Verse 1]
Di pa sumisikat ang araw
Kumukulong tubig na ay umaapaw
Kalembang ng kutsara sa tasa
Yan lagi ang musika sa umaga
Habang hinihigop ang mainit na kape
Hindi maiiwasang sa isip sumagi
Ano kaya ang mangyayari
Sa buhay na parang teleserye
[Chorus]
Nang umalis silay tulog pa
Pag uwi'y di pa magkikita
Nakatira sa isang bubong
Hinding-hindi pa magkasalubong
Tila kay ikli lang ng panahon
Di pa mabigyan ng pagkakataon
[verse 2]
Araw hanggang gabi kung kumayod
Magkadakuba na ang likod
Pwet nay sumasakit sa kakaupo
Paa'y nangangawit sa kakatayo
Ang papel na sa akin ibinigay
Ang papel sa reyalidad ng buhay
[Chorus]
Nang umalis silay tulog pa
Pag uwi'y di pa magkikita
Nakatira sa isang bubong
Hinding-hindi pa magkasalubong
Tila kay ikli lang ng panahon
Di pa mabigyan ng pagkakataon
[Bridge]
Tinitiis ang lahat
Sakit, pagod at puyat
Pawis na'y tumulo't natuyo
Asawa na ang turing sa trabaho
Hindi makaalis-alis
Sa sitwasyong hindi ninanais
Hindi parin sapat ang ginagawa
Ito naba sa buhay itinadhana
[Chorus]
Nang umalis silay tulog pa
Pag uwi'y di pa magkikita
Nakatira sa isang bubong
Hinding-hindi pa magkasalubong
Tila kay ikli lang ng panahon
Di pa mabigyan ng pagkakataon
Nang umalis silay tulog pa
Pag uwi'y di pa magkikita
Nakatira sa isang bubong
Hinding-hindi pa magkasalubong
Tila kay ikli lang ng panahon
Di pa mabigyan ng pagkakataon
Papel ay awiting tungkol sa mga taong halos di na nakakasama ang mahal sa buhay dahil sa maraming ginagawang trabaho, yung iba naman ay maagang pumapasok sa trabaho at matagal umuuwi dahil sa trabaho, dahil sa trapik at dahil sa ibang rason. Sana hindi tayo magpaalipin sa trabaho at mabigyan natin ng konteng panahon ang ating pamilya.