Scan the code
Download spotify for the whole song
Pagdiwang
[Verse 1]
Sa isang araw na ito ikaw ay magsaya
Pag-alala'y limutin, wag kang mabahala
Ipagdiwang mo ang ‘yong kaarawan
Na puno ng ligaya at kagalakan
[Verse 2]
Pintahan mo ng ngiti ang pagsikat ng araw
Balutin ng pagmamahal ang kalangitang bughaw
Pakinggan ang mga ibon na nag-aawitan
Damhin ang haplos ng hangin na nagdaraan
[Chorus]
Ikaw ay aking sasamahan
katabi kita sa pagdiwang
mahabang buhay ang aking dalangin
para lagi kitang kapiling
[Verse 3]
Bawat taon na nagdaan lalo kang kumikislap
Parang bituin sa gabi'ng walang ulap
Ikaw ang bida ngayon sa 'yong kaarawan
Tila nagniningning sa madilim na kalawakan
[Chorus]
Ikaw ay aking sasamahan
katabi kita sa pagdiwang
mahabang buhay ang aking dalangin
para lagi kitang kapiling
[Bridge]
Iaalay ko ang awit na ito
Puno ng dalangin at pag-ibig ko
Ipagdiwang mo ang iyong buhay
Isang biyaya na walang kapantay
[Chorus]
Ikaw ay aking sasamahan
katabi kita sa pagdiwang
mahabang buhay ang aking dalangin
para lagi kitang kapiling
laging kapiling
Pagdiwang ay isang awitin na sinulat ko para inalay sa espesyal na araw ng aking pinakamamahal na asawa. Dalangin ko ay sana mabigyan pa ng mahabang buhay para makasama pa siya ng matagal.