Scan the code
Download spotify for the whole song
Bayang Pinaluha
Mamamayang pilipino
Kamusta
Okay pa ba kayo
Halika samahan nyo ako
Para sa pagbabago
[Verse 1]
Buong buhay tayoy nagtatrabaho
Walang mintis bigay natin sa gobyerno
Kakarampot na nga lang natitira sa sweldo
Nagtataasan pa lahat ng mga presyo
Nagdudusa mga nasa baba
Hanggang ngayon lubog parin sila sa baha
Ang sa taas pikit mata walang ginagawa
Abala pa sila sa bulsang pinapataba
Pinagyayabang mga bagay na galing sa nakaw
Sa social media silay ating tanaw
Napapanganga tayo sa meron sila
Sa laki ng bahay at kapal ng bulsa
Mga walang hiya
Ang kakapal ng mukha
Sa kumakayod hindi naaawa
Dugo't pawis ang pinupuhunan
Mga buwaya lechon ang hapunan
Mati-tikman pa ba ka ginhawaan
Kung ang mga salot
Tayo'y ina apakan
Halika kababayan
Kumilos ipaglaban
Bayan wag pabayaan
Para sa kinabukasan
[Chorus]
Sama-sama ating isigaw
Hanggang marinig ating mga hiyaw
Tayo’y nilugmok
Tayo’y babangon
Kapit bisig muling aahon
[Verse 2]
Perang galing sa pawis ng mamamayan
Napunta lang sa nakahilirang sasakyan
Perang galing sa puyat ng mamamayan
Napunta lang sa bulsa ng mga kawatan
Kawatang naka polo, amerikana’t barong
Perang ninanakaw ay kahon kahon
Mahihirap nag titiis lang sa nodols at kanton
Samantalang sila naka bag na Louis Vuitton
Sa abroad sila nagpapatingin sa puso
Pero sa mamamayan wala namang puso
Si Juan nag abrod para umasenso
Binulsa pa naipong sentimo sa bangko
Mga buwayang nag aanyong tupa
Nangmumudmod pa ng paayuda
Mga tuso sa likod ng maskara
Hindi lang isa, marami sila
Mga taong walang dangal
Magnanakaw at hangal
Kaya mamamayang marangal
Sama samang ipagdasal
At
[Chorus]
Sama-sama ating isigaw
Hanggang marinig ating mga hiyaw
Tayo’y nilugmok
Tayo’y babangon
Kapit bisig muling aahon
[Bridge]
Bumangon ka't makialam
Tumindig at ipaglaban
Hindi natin sila papayagan
Umabuso sa bayan
Sama sama pag masdan
Sama sama pakinggan
Pagkaka isa ng mamamayan
[Chorus]
Sama sama ating isigaw
Hanggang marinig ating mga hiyaw
Tayo’y nilugmok
Tayo’y babangon
Kapit bisig muling aahon
Panagutin ang dapat panagutin
Sa timbangan ng babaing naka piring
Mahatulan lahat ng may sala
Hustisya sa bayang pinaluha
Bayang pinaluha ay awiting nabuo para sa pagsimpatya natin sa kilusan na ang sigaw ay hustiya at pagkondena sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan.