Scan the code
Download spotify for the whole song
Altar
[Verse 1]
Ngayong araw na kay
Tagal hinintay
Nararamdama'y
Walang kapantay
Ang araw na binigay
Ng maykapal
Na labis ang tuwa
Ligaya't pagmamahal
[Verse 2]
Sa bawat hakbang
Sa pasilyong nilalakaran
Nararamdama'y
Walang paglagyan
Sa oras na ito
Magiging isa
Ang dalawang puso
Na pinagtagpo
[Chorus]
Ikaw ang ibinigay
Makakasama habang buhay
Sa hirap sa ginhawa
Sa lungkot at saya
Sinagot ang dasal
Ngayo'y magkasama sa altar
[Bridge]
Hahawakan ang iyong mga kamay
Manunumpa sa pag-ibig na tunay
Tanggapin ang singsing
Simbolo ng ating
Pag-ibig na walang hanggan
Ipapaalala nito ang ating sumpaan
Sa araw ng pag-iisang dibdib
Diyos ang siyang saksi
At siyang nagbasbas
Sa pag-ibig na tapat at wagas
[Chorus]
Ikaw ang ibinigay
Makakasama habang buhay
Sa hirap sa ginhawa
Sa lungkot at saya
Sinagot ang dasal
Ngayo'y magkasama sa altar
Altar ang awiting para sa isang araw na importante, ang araw ng pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan ng tunay.